blog ang mundo!

Wednesday, December 15, 2004

waaaaaaahhh!!!

kagigising ko lng... at hindi ako nakapasok ng 8:30-10 na stat144 class ko... waaahh!! bad trip! kailangan ko bang sisihin ung sarili ko nung pumayag ako na ako na lang ang maggagawa nung flash presentation nung mga friends ko sa klase nila...?? 20% daw kasi ng grade nila un at kailangan maganda (ehem.. hehehe! :p) ..actually kaya pumayag na rin ako kasi wala pa akong maituturing na "gawa ko" using macromedia flash mx, sayang naman ung ipinasok ko sa informatics.. saka ung time na ginamit ko pagpa-practice/pagaaral nung flash kasi hindi naman lahat naturo sa informatics.. ayun! ang pagkakamali lang nila nung saturday lng nila nabigay skin ung script, voice over at ung ibang pics... ang pagkakamali ko tinanggap ko pa rin kahit konting time na lang ang natitira (kasi tuesday na ung presentation nila) ...syempre kumuha pa ako ng mga "elemento" nung presentation.. mga background pics, additional images, video clips, at mga sound effects, buong araw akong online nun, at lahat na ata ng freeware na .wav to mp3 na converter at .avi to mpg na-download ko na... basta un! hindi naman ganung kadali gumawa ng flash presentation lalo na't mahaba (30 mins.. oo!) ayun nung monday tinapos ko talaga... hindi ako natulog.. start ako ng 9pm tapos inabot na ko ng 2pm dito sa harap ng pc nun... ganun ko pinaghirapan un... huhuhu! 4pm nila kailangan.. at pinilit kong matapos... ayun ok naman ung unang part maganda daw.. sabi nila.. hehe! ung huli mejo hindi kasi un na nga ung minadali ko...

haaaaaaayy...

ang tanong.. tama ba ung ginawa ko? pagbigyan ung friends ko? kahit ako ung mahirapan para sa grades nila (hehe!) ? ako ung hindi matulog? ako ung mag sacrifice na hindi umatend ng klase ko nung tuesday..? at ngayon dahil bumawi ako ng tulog.. di rin ako naka-attend ng morning class ko...

pumayag naman ako sa kapalit nun na ililibre nila ko dun sa maliit na italian resto sa elbi... isang pasta pa lng butas na bulsa mo... wahehehehe!! :)) ..pero next time magpapabayad na ko... hihi!! :p

0 Comments:

Post a Comment

<< Home