blog ang mundo!

Saturday, August 20, 2005

i don't want to blog

but i don't have friends with me right now who can listen to my life's rantings as they always did. tsk.

life.

i'm just so depressed how this day went through. everything was fine, i believe. i woke up at the right side, i have some friends online, i came to work earlier than the time i'm supposed to clocked in... i entered the monitoring department's office with a sunny smile on my face... but i was wondering why all of my officemates were staring strangely at me.. i have no idea that that will be my last day in that department.

life.

just for the reason of being friendly to my previous department-mates i was demoted. yeah, i'm now back at the benefits and cards services department. when it's just yesterday i was listening to their call, looking for their mistakes, sending them a write-ups that will cause them suspension or even up to termination. i can't blame myself for being friendly, i don't want to make them feel that i betrayed them even i am the one sending what they call "death threats". i don't want to break the friendship we had just because of my new "tasks". but then again, for that i was demoted. but i really see no apparent reason for doing such.

bahala sila.

Monday, June 13, 2005

katamaran

di ko alam kung bakit kapag naggagala ako dito sa las vegas, o may napanood akong show, o may napasok akong bagong hotel, o may bago akong nakilalang pinoy eh sobrang excited akong i-blog... pero pagdating ko naman dito sa bahay.. sobra na kong tinatamad..

haaayyyyy.. isa lang ang naiisip kong dahilan.. siguro dahil sobrang bulok nitong pc kong ginagamit dito, ni-hindi ko nga kayang humarap dito ng matagal eh.. hekhek! totoo.. hiningi ko lang to sa kakilala ng dad ko.. soooobrang lumang pc, pentium 1, 2 gigs ang hardisk, windows 98... haaayy..

bagong pc!!!!
kelan kaya kita matitikman?!!!!!

Sunday, May 22, 2005

the decision

once and for all, id like to squeal my parent's plan for us: to migrate in the US for good.

alam ko na un, dati pa. pilit ko lang inaalis sa utak ko...

1999, dad petitioned me, kuya, and my mom. 2 yrs later, we're set for an interview-and-all-that-visa-processes. ayoko. 3rd yr highschool ako nun, and im in the "best days" of my life then. siguro dahil na rin na lihim na pagkontra ko, nagkaproblema ung papers ko, nadamay pa ung kay kuya, si mommy lang tuloy ung natuloy sa pag-migrate nun.

fast forward. pumasok ako ng uplb, masaya, mas masaya. nawala na nga sa isip ko ung plano nila. tapos.. un! october 2004, i was set for an interview at the US embassy. this time ok na ang lahat. december 2004, they granted my visa... at kailangan kong i-alis un in six months.

makulit ako nun. ayokong pumayag sa plano nila. nakikita nga nila model at nica kung pano ako makipag-usap/makipag-away sa mommy ko sa phone nun.. pinagpipilitan ko na aalis ako ng april 9 at babalik din agad ng may 31..

pero ang totoo.. alam ko naman na hindi posible un. posible kaso mate-terminate ung visa ko. at dito na pumasok ang gumulo sa isip ko ng sobra-sobra...

matibay ang immigration laws. at dapat sumunod talaga sa kanila. ayoko din naman na pag-dating ng panahon eh ako ang maiwan sa pinas. sabi nga nila, ang dami dami, sobrang dami, ang gustong makarating dito.. at ung iba sobrang naghihintay ma-approved lang ang petition... i know how fortunate i am.. but unfortunately, iba ung mga gusto kong mangyari...

gusto kong umuwi ng pinas sa may 31 kasi ayokong ma-delay sa studies. gusto kong mag-graduate on time at sobrang napaka-seasonal ng mga subjects, isang bagsak mo lang o hindi mo makuha si subject a, delayed ka na! bukod pa dun, ung 25th anniversary ng uplb stats ang inaalala ko ng sobra sobra.. silver anniv to ng stats at hindi sa pagyayabang, malaki ang maitutulong ko para sa ikagaganda ng event. ikinasal ko na ang sarili ko sa org na to. lahat ginagawa ko at masaya ako kasi nakikita ko at nakikita nila at ng buong sangka-elbihan ang improvements ng uplb statistical society. planado na ang lahat bago ako umalis. ako dapat ang mamamahala ng paggawa ng playbill, anniversary poster, tutulong sa paggawa ng exhibit, gagawa ng flash presentation para sa exhibit at sa alumni homecoming, at bukod pa dun, mahalaga din ang papel na maiiwan ko kung aalis ako - P.R.O. ..mahal na mahal ko ang stats, halos d2 na umiikot ang buong college life ko.

mukhang tama pero... may mali diba?

habang papalapit ang april 9, 2004, lalong gumugulo ang isip ko. pag dating ko dito sa las vegas, lahat ng tao wala ng ibang sinabi kundi: "ano? balik babalik ka pa sa pinas?" kapag sinasabi kong tatapusin ko po muna ung college ko, wala naman silang ibang sinasagot kundi: "mas maganda kung dito ka magtatapos!" hayyy.. gusto ko sanang sabihin na nasa pilipinas po ang buhay ko, pero hindi ko din naman kasi maitatanggi na mas maganda ang mga opportunities na nandito...

hinahayaan lang ako ng parents ko na mag-decide, pero ang totoo nakikita ko na gustong-gusto nila na sila ang masunod.

lumipas ang mga araw.. at lingggo.. (naks parang sumusulat ako kay ate charo ahh.. hehe! :p) ..magulo pa rin ang isip ko, at bumibigat din ang pakiramdam ko.. hindi ko maiisip kung bakit. at ayoko na sanang mag-isip. ang sakit sakit sa utak.

hindi nga pala kami mayaman. nakaka-inis ung misconceptions ng mga tao na kapag nasa states ang mga magulang mo ehh mayaman kayo. hindi lang nila alam.. at hindi ko rin pala lubusang naiintindihan... kung gaano kahirap ang buhay dito.. (shocks.. naiiyak na ko..) sobrang nakaka-miss, kung pwede lang tumawag bawat oras gagawin namin. pinipigil ko lang.. pero naiiyak na ko kapag naririnig ko sa daddy ko ang mga salitang "sana nandito sina marion at john-john (mga bata kong kapatid), maglalaro lang ung mga yan jan..", at nakikita rin ng dalawang mata ko kung gaano ang pagod ng mga magulang ko sa pagta-trabaho dito... bukod pa dun, mas naintindihan ko na ung mga problema namin.. kung bakit minsan kulang ung padala nila sa pinas. kung bakit kailangan mangutang.. eeehh.. di ko na dapat siguro sabihin ung mga problema.. basta it has something to do with money..

lalo tuloy akong nakonsyensiya... round trip ticket na kasi ung pinagpilitang kong bilhin nila sakin.. eh kulang na nga kami sa budget..

tapos naiisip ko.. kung aalis ako ng may 31, anong mangyayari? kailangang kong magpabalik-balik sa states every six months..

ang sama ko pala. mas inuuna ko pa yung ibang tao, ung org ko particularly, kesa sa pamilya ko..

parang puputok na talaga ung utak ko, halos gabi-gabi na kong hindi makatulog sa kaiisip kung tama bang umuwi ako ng may 31... nagpapayo naman ung mga kaibigan ko pero ako pa rin ung masusunod..

and then one day, mag-isa lang ako sa bahay, i saw a prayer booklet, "novena to the holy spirit" a nine-day novena. naiisip ko, nagdadasal naman ako, pero hindi ko ata pinakikinggan ung sagot Niya. kaya inumpisahan ko un agad nung nakita ko.. and after 9 days.. i began to "understand, receive knowledge, accept counseling, grow in wisdom with the help of fortitude, piety, and fear of the Lord" yes! the seven gifts of the Holy Spirit if we but listen.

gumaan na ung pakiramdam ko mula nun. ang naiisip ko na rin ang tamang desisyon.

october 11, 2005 na ko uuwi... hindi na ko makakapag-violate ng immigration laws, may green card pa ko.. by that time maa-approve na rin ung Re-entry permit (allows an immigrant to stay outside the US for 1-2 years) ko para pag-uwi ko ng pinas, hindi ko na kailangan bumalik-balik dito after 6 months, di sayang sa pamasahe. Bukod pa dun, makakatulong pa ko sa pamilya ko kasi magta-trabaho muna ko for the meantime, tapos bibigay ko sa kanila ung salary ko.. after all these years na ibang tao yung mga tinutulungan ko bakit hindi ung pamilya ko naman diba?

and for that.. i feel so proud of myself.. i think i made the right decision.. did i? ..whew! that was the hardest decision making i ever had in my life (as of now..)

on the other hand, i feel sad dahil hindi ako magiging parte ng 25th anniv ng stats, pero tutulong pa rin ako kung ano mang maitutulong kahit nandito ko.. kayang kayang nila yung pagandahin kahit wala ako! share ko na lang ung mga ideas ko sa e-mail.. hehe! :p

ayun! ngayon.. wala ng gumugulo sa isip ko.. sa monday, may 23, mag-start na ung work ko.

ung plans ko: tapusin ung bs stat sa uplb, kahit ma-delay ok lang un! hindi naman dahil bumagsak ako eh.. after graduation balik ako d2.. ang mahal kasi ng college dito.. tapos baka hindi pa ma-credit yung mga pinaghirapan ko sa yufielbi!!! hindi rin ako pede mag-avail ng scholarship kasi dapat dito graduate ng highschool.. ang pwede lang, sa masterals degree.. kaya un, kung makakapasa ko tulad nung iba kong orgmates na nandito.. eh di mas ok.. mejo confident din naman ako na may magiging work ako dito pag balik ko d2 kasi nag search na ko ng mga jobs d2.. pede ko mag-start as SAS programmer and analyst tapos junior statistician.. hehehe!! sobrang planado ba..? hindi naman.. mejo lang..

kung ano mang meron sakin at stake in the future.. i dont know yet.. pwede pa namang magbago yung mga plano ko.. hehe! :p

AT! kung akala nyo sobrang good boy na ko.. hindi no! hindi lang talaga ko maka-gimik ng husto dito kasi 21 ang legal age.. kaya babalik ako sa october 11 sa pinas, tuloy sa pag e-enjoy ng buhay.. sakto, pag balik ko d2 21 na ko.. wahahaha!!

las vegas humanda ka sakin pag balik ko!!! mwehehehe!!! :))

Friday, April 22, 2005

errrrmmm

saka ko na po update tong blog ko.. o kaya baka lipat na ko friendster blog... wahehehe!! :p

gustong gusto ko na talagang mag blog! la pa kasi kong sariling pc at internet sa bahay eh...

hintay lng po tau...

huhu!

Saturday, March 26, 2005

hmmmm...

ang SAAAARAAAP magbakasyon..
pero hindi pa pala bakasyon..
rephrase: ang SAAAARRAAPP bawiin nung mga gabi (at araw) na hindi mo itinulog ngayong 2nd sem... waaahh!! ang sarap talagang matulog ng wala kang iniisip para bukas.. na hindi ka maga-alarm ng phone kasi pwede kang gumising na kahit anong oras kinabukasan.. haayy.. matagal ko ng hinihintay 'to..

kagabi nga nangulit ako sa text.. nag missed call ako sa halos lahat ng nasa contacts ko.. la lang... ang saya dahil ang daming nag-reply.. minsan lang ako mangulit sabi ko sa kanila.. at totoo.. naisip ko.. kelan ba ung huling text conversation ko na katulad nito.. halos buong sem puro "kr paayos nman ng papeles, punta kang acctg tas ovca tas meron din sa spmo" "kreg lay-out ka nman sa opis" "darbo pagawa nman ng teaser sa interlab" "darbo execom miting meya ha" "7:30pm, staff meeting, dont ask, its given" "darbo tapos na po ba ung design ng id, kailangan na po un" "kreg padala nman to kay chancy, kelangang kelangan na talaga" "mr. kreg musta na ung [p]-shirt, tapos na ba?" "kr ung website ng pananaw hindi gumagana" "hey phlo1 grupm8 meet po tau sa vega meyang 7pm" ...haaaaayyy.. at kung ano-ano pa.. wala man lang nagte-text na "kr kamusta ka na?" o kaya "kr buhay ka pa ba?" totoo.. mi-ako nalimitan ko na rin atang mangulit gamit ang cellphone...

haaaayy.. finals week pa next week.. ang wish ko po.. sana ma-exempt na ko sa finals ng stat182, stat144, at math28.. ung cmsc123 at math101 required na talaga.. sa thursday pa nman un.. sana pala ma-uno ko ung philo1.. wahehehe!! :)) ..sana talaga..

nga pala.. next time nlang pala.. para surprise.. hehe! :p
ciao!

Sunday, February 20, 2005

week-long blog

as the title suggest, this' gonna be a long blog.. so let it get started...

i woke up at 9pm today. Geezus.. 9pm? yeah. drunk. the last night of the "feb fair" was so good!! not because of the university student council's program but because we have our (uplb stats) own program at our own booth. ang saya talaga nun, unlimited supply ng alak dahil nandun ung mga alumni namin.. at lahat talaga kami masaya.. lalo na ko..

flashback.

my wish was granted. to have an exam-free week this feb fair. because i need to do the following...
1. eSTimATeS - the official newsletter of uplb stats must be released that feb fair week, i had 2 sleepless nights - sunday and tuesday, just to finish this newsletter
2. flash presentation for our sisses - 2 sleepless nights again - wed and thurs

pero ok lang un... hearing these words is more than enough
"congrats pub com" anny, president 04-05
"ang ganda ng eSTimATeS, iba ka talaga darbo" -roi, pub com 03-04
ung sa members pa lang busog na ko.. dagdagan mo pa ng mga alumni..
"wow! ang ganda ng newsletter natin ah, sa lahat eto ang pinaka maganda" -stats alumni
"asset ka talaga ng org kr" -mam elai, alumnus
feeling ko talaga lumulutang na ko... lalo na nung napalabas na ung flash presentation namin para sa mga sisses..
history recall: bawat feb fair kasi, dahil valentines, may inihahandang surprise ang mga darang para sa mga darbo at ganun din ang darbo (brod) para sa mga darang (sis)
nagawa na nung mga darang ung surprise nila samin nung monday, kami ang plano sa friday pa talaga... bakit? para mas madaming makakita at para malaman ng buong tao sa elbi kung gaano ka-importante at kung gaano nmin kamahal ang aming mga darang... ginawa namin lahat.. nakipagkulitan sa USC para lang bigyan kami ng 7mins na magamit ung projector at para mai-singit ung hinanda namin para sa mga sisess namin..

pero bago un, kwento ko muna ung ginawa ng mga sisses namin... ang sweet din nila sobra... nilagyan kami ng blind fold at dinala sa booth namin mula sa phy sci, babae kasi ung presidente namin, bigla nagpatawag ng emergency body miting... pero ang totoo para matipon lang kami at maging successful sila sa kanilang mga plano... nung nasa boot na kami, syempre hindi namin alam na nandun kami, pero ang dami kasing ibang tao.. maingay kaya naiisip namin baka nandun nga kami.. maya-maya pa ay sinubuan kami ng cake ng mga darang namin.. tapos may ring pa sa loob, tapos tinanggal ung mga blind fold namin sabay kumanta sila, nagulat kami sa aming nakita, may mga kandila na korting heart na malaki sa unahan nmin, may mga petals ng flower sa gitna.. parang ung sa lovers in paris... basta ang sweet nila at ang dami pang nanoood sa min.. imagine dun un sa freedom park... at opening ng feb fair kaya madami talagang tao.. halos lahat pinapanood kami...

nung turn na ng mga darbo.. friday... biglang sinabi nung emcee dun sa stage na "ladies and gentlemen, at this moment lets give way for the brods of uplb statistical society, they have something for their sisses" ..gulat na gulat ung mga sisses namin.. nagtilian nalang sila nung nag umpisa na ung flash presentation namin dun sa stage... nagtakbuhan kaming lahat para mas lumapit dun.. at un! nag play na ung presentation.. collections un ng videos at pics nila, ang background music ay "the distance", evan and jaron. may mga poems din... meya't meya tumitili sila... tuwang tuwa kaming mga brod sa reaction nila.. lalo na ko na gumawa nung flash pre.. maya-maya pa'y nakita namin si ma'am leya na umiiyak... ang nakakagulat kasi dun ay alumnus na siya.. pero sobrang touch na touch daw siya sa ginawa namin... ang saya talaga... hindi ko ma-describe.. sobra talaga ung emotions na nararamdaman ko sa paligid.. lahat ng tao nakatingin lang samin pagkatapos nung presentation.. nagbigay pa kasi kami ng roses sa mga sis namin, embrace tapos kiss namin isa isa.. nagpalakpakan lahat ng tao nun... hindi talaga lubos maisip nung mga sis namin na totoo un, na nagawa namin un para sa kanila, para daw movie... haaaaayy... masayang masaya kaming bumalik sa booth namin.. tulo'y pa rin ung yakapan, "thank you", "ang sweet nyo talaga" paulit ulit naming naririnig sa mga sisses namin.. halos lahat din ata ng sis ko nag-kiss sa kin.. syempre sa lahat din ng brods.. basta... ang saya nun... walang kasing saya!!! haaayy ang hirap pa ngan i-kwento dito.. kwento ko nlang sa inyo sa personal...

basta ganun, kaya lahat kami masayang masayang naginuman nung friday... kaya tumagal hanggang 4am...

haaay.. hirap i-blog.. publish ko na nga to.. tell me nlang kung interesado kayo.. kwento ko sa inyo ng buo... hehe!

Monday, February 07, 2005

still breathing..

its been a long time since my last post. so guys... you should welcome me back (hehe! :p)

okay, okay, what's new?

* after being the Publications Committee Head, i'll be the P.R.O. of the UPLB Statistical Society next academic year. i think that'll be okay... less work.

* the website of the uplb perspective is now up and running! hope you guys have time to drop by and i'll be happy to know that you leave some note on the guestbook. :)

* acads... i'm one of the two, i repeat.. only two students having a passing midterm standing in stat144.. one of the 7 people in our class who passed the math28 midterm exam... what else.. uhm.. im now enjoying my cmsc123 class... it's like being on survivor challenge.. my stat182 is okay, im not attending my math101 class regularly... and philo1? duh. iterating the things over and over again is not fun. good thing attendance do not count, i just have to text my seatmate "hey when is our exam?"


that'll be for tonight.. bye!

p.s. aryanne, welcome to weblog!! :p